HAPPY 100th BIRTHDAY NANAY FELISA!

Binigyang pagkilala si Nanay Felisa T. Dela Cruz ng Brgy. San Leon ng Provincial Government of Tarlac, DSWD at Lokal na Pamahalaan ng Moncada bilang pagpupugay sa pagsapit ng kanyang ika-isandaang kaarawan.

Siya rin ay nakatanggap ng isandaang libong piso mula sa Provincial Government batay sa itinatakda ng Sangguniang Panlalawigan Ordinance No. 001-2016 o kilala bilang “THE TARLAQUENO CENTENARIAN ORDINANCE OF 2016.”

Lubos din ang galak nina Vice Governor Carlito S. David at Mayor Estelita M. Aquino sa mga kwento at mga usapang naganap kasama ang ating Centenarian.
Ang makasaysayang ika-isandaang taon ni Nanay Felisa ay magsisilbing inspirasyon sa lahat upang higit na pahalagahan ang dakilang buhay na ipinagkaloob ng Maykapal sa pagtataguyod ng malusog, matuwid, at makabuluhang pamumuhay.

#SaMoncadaSamaSama
#ParakayLola

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

003500

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Moncada.gov.ph