Grand Parade at Coronation Ceremony ng Day Care Festival 2026
Matagumpay na naisagawa ang Grand Parade at Coronation Ceremony ng Day Care Festival 2026 na dinaluhan ng iba’t ibang sektor ng pamahalaang lokal at komunidad.
Pinangunahan ng Municipal Police Station ang grand parade, na sinundan ng St. Rose College Foundation, Inc Corps of Colours, MSWD Staff, Child Development Workers (CDWs), Little Mr. & Ms. Barangay DCC, Little Mr. & Ms. Personality, at ng Majestic Family at mga respective parents and day care children, Moncada South Central Elementary School Drum and Lyre Corps.
Sa bahagi ng coronation ceremony, pinangunahan ng Royal Guard ng St. Rose College Foundation, Inc ang pagpasok ng coronation entourage. Nakiisa rin sa nasabing aktibidad ang mga Sanggunian Members at mga kinatawan ng Barangay Council.
Pormal namang ipinroklama ni Mayor Ramon Benito M. Aquino ang mga miyembro ng Majestic Family.
Ang Majesty King 2026 ay Day Care Child ng Poblacion 3 JAMIR DR MENDOZA at Majesty Queen 2026 ay Day Care Child ng Baquero Sur PRINCESS JHEN C. LAPADA.
Samantala, nagsilbing EMCEE ng programa ang President Hance Zyrell Tabilin at Vice President John Jayden Mejia, ng Child Representatives Municipal Federation.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na pagsuporta ng pamahalaang lokal sa mga programang nagbibigay-halaga sa pag-unlad, talento, at kakayahan ng mga batang kabilang sa Day Care Centers ng bayan.









Click here: https://www.facebook.com/share/p/1A3ZA7XGBd/
