
FREE ZUMBA PARA SA JUANA NG MONCADA
FREE ZUMBA PARA SA JUANA NG MONCADA!
Bilang pakiki-isa sa selebrasyon ng Women’s Month, Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa pangunguna ni Mayor Estelita Aquino katuwang ang MSWDO ng isang libreng Zumba para sa lahat ng kababaihan sa bayan ng Moncada.
Nagpatalbugan sa pag-indak at pag-giling ang iba’t ibang grupo ng Zumba Dancers sa Moncada sa iba’t ibang saliw ng awitin at tugtugan na sinamahan din ng Moncada PNP Officers.