Skip to main content

FAKE NEWS “PUTING VAN NA KUMAW”


MONCADA MPS, TARLAC PPO

FAKE NEWS

“PUTING VAN NA KUMAW”

Ito po ang pahayag ng ating Acting Chief of Police PMAJ SANTI FREY D LORENZO patungkol sa kumakalat na balita tungkol sa “Puting Van na Kumaw”.

”Matapos ang ginawang pag iimbestiga ng ating kapulisan – amin pong ipinapabatid na ang balita na kumakalat patungkol sa diumano’y puting van na kumaw o nangunguha (kidnap) ng bata sa Barangay Lapsing, Moncada, Tarlac ay wala pong katotohanan. Ang sinasabing van ay patungo sa Santiago, Isabela at habang binabagtas ang daan sa Lapsing galing Maluac, ito ay napatigil dahil sa umbok (humps) sa daan, na kung saan ay may mga batang kasalukuyang dumaraan at sila ay natakot ng sa akala nila sila ay kukunin at isasakay sa van.

Sa atin pong mga mamamayan, lalong lalo na dito sa Moncada, kami po ay nakikiusap sa inyo na huwag maniniwala agad sa mga kumakalat na balita at huwag na din po natin itong ikalat sa social media upang maiwasan ang takot ng ating mga kababayan. Sa halip, hinihingi po namin ang inyong suporta. At para sa mga magulang, lagi po nating alamin ang kinaroroonan ng ating mga anak at kung sila ay aalis ng bahay ay dapat alam natin kung saan sila pupunta at sino ang kanilang mga kasama.

Patuloy po ang ginagawang pagbabantay ng ating kapulisan 24/7 upang masiguro ang kaligtasan at seguridad ng ating komunidad. Kung may nalalaman po kayong anumang impormasyon hinggil sa anumang insidente at krimen, mangyaring ipagbigay alam sa ating himpilan.

Gayundin pinapaalalahanan po ang lahat na ang pagkakalat ng mga maling impormasyon ay may karampatang kaparusahan na anim (6) na taon hanggang sampung (10) taong pagkakakulong sa ilalim ng Presidentia Decree No. 90 kung kaya’t binabalaan nating ang mga taong nagkakalat nito ay mapaparusahan ayon sa nasabing batas.

#ToServeandProtect

#SaBagongPilipinasAngGustongPulisLigtasKa

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1EowWewSf2/

Written by moncada_admin111 on .