Experiential Learning Visit | Project LAWA at BINHI
![]()
Experiential Learning Visit | Project LAWA at BINHI
Malugod nating tinanggap ang mga kinatawan mula sa San Luis, Pampanga para sa kanilang experiential learning visit sa Project LAWA at BINHI ng Moncada.
Layunin ng pagbisita na mas mapalalim ang kanilang kaalaman at maibahagi ang mga best practices sa pagpapatupad ng proyekto—lalo na sa usapin ng pangangalaga sa kapaligiran, seguridad sa pagkain, at pagpapalakas ng komunidad.
Patunay ito na sa pamamagitan ng pagtutulungan at palitan ng kaalaman ng mga LGU, mas napapalawak at napapalakas ang mga programang tunay na nakatutulong sa ating mga kababayan, sa pangunguna nina Sir Rommel Q. Capasao, Regional RRP Focal; Ma’am Marinel D. Catu, Project Development Officer II mula sa SWAD Pampanga; at Ma’am Jhonel Yumul, Project Development Officer II. Katuwang din sina Ma’am Wilma Balgos, Municipal Environment and Natural Resources Officer (MENRO); Sir Eduard Balgos, Municipal Agriculture Officer (MAO); Engr. Efren Ramirez, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer (MDRRMO); Ma’am Mildred G. Arciaga, Municipal Social Welfare and Development (MSWD) Officer; Ma’am Elena L. Jalos, Provincial Social Welfare and Development (PSWD) Officer; Sir Adrian Nichole Vega; at Sir Merckx Pasamonte, Focal Person ng Project LAWA at BINHI.
Maraming salamat sa inyong pagbisita at nawa’y magsilbing inspirasyon ang ating mga natutunan para sa mas progresibo at mas matatag na mga komunidad!
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/18Ky9UjrMu/









