Skip to main content

DPWH PRESENTED THE MONCADA BYPASS ROAD AND ANAO/MONCADA TO TPLEX ACCESS ROAD

Noong nakaraang linggo ay iprinisinta ng DPWH ang kasalukuyang proyektong BYPASS ROAD mula sa bayan ng San Manuel hanggang Moncada na may lapad na 30 meters.
Pangunahing intensyon nito ang pag decongest sa National Highway at upang magkaroon ng development opportunity ang madadaanan ng nasabing bypass road. Ganun din ay kanilang ipinakita ang planong Anao/Moncada to TPLEX Access road na magiging daan sa mas mabilis na access patungong TPLEX exit sa Bayan ng Anao.
Ang mga proyektong ito ay susi upang mapabilis ang transportasyon at mas mapaunlad pa at maging progresibo ang mga komunidad na dadaanan ng nasabing mga kalsada.

Official Website of Municipality of Moncada