Skip to main content

Done na po tayong mag-ikot at magbigay ng pagkain sa mga evacuees sa Sta. Lucia West, Sta. Lucia East, Camangaan West, Banaoang East, Baquero Norte at Baquero Sur. Nakipag-coordinate na rin po tayo sa iba pang barangay para masigurong ligtas ang lahat.


Maraming salamat po sa ating mga kasamahan sa MDRRMO, MSWD/DSWD, sa ating kapulisan, mga personnel sa barangay at mga volunteers. Atin din pong ipagdasal ang kanilang kaligtasan.

Sa mga minamahal nating magulang, bantayan rin po natin ang ating mga anak at kapamilya para masigurado pong ligtas sila sa anumang masamang insidente.

Sa lahat ng ating mga estudyante, walang pasok bukas kaya sana ay manatili muna sa bahay para iwas din sa anumang insidente.

Konting tiis lang mga kailyan. Walang hamon ang di natin malalagpasan kung magtutulungan tayo. Huwag po tayo magdadalawang-isip magreport sa kinauukulan at sumunod po tayo para ating ikabubuti.

Ingat po ang lahat, kailyan.

Click Here: https://www.facebook.com/share/p/1C9LnpeS7S/

Written by moncada_admin111 on .