Skip to main content

Disiplina at pantay-pantay na pagpapatupad ng mga batas at ordinansa.

Disiplina at pantay-pantay na pagpapatupad ng mga batas at ordinansa.
Mahalaga rin ang pagkakaintindihan, malasakit at mapayapang diskurso ng ating mga hinaing, suhestyon at mga bagay na makatutulong sa pagpapa-igting ng ating serbisyo publiko.
Nakarating sa ating tanggapan ang mga issues at concerns tungkol sa pagpapatupad ng mga public safety ordinances, at ito ay agaran naming tinalakay at inimbestigahan kasama ang pamunuan ng traffic management unit.
Asahan po ninyo na magkakaroon pa tayo ng mas malawakang dayalogo patungkol dito.

Official Website of Municipality of Moncada