
Dengue Vector Surveillance
Dengue Vector Surveillance
Brgy. Camangaan West
Ang ating sanitary inspector na si sir Roy Tabelisma Quindara kasama ang mga nars ng DOH at BHW ay nagsagawa ng Dengue Surveillance.
Maliban sa sakit na COVID-19, pataas din ng ang kaso ng Dengue kaya pinapayuhan po ang lahat na gawin ang 4S kontra Dengue.
S – uyurin at sirain ang mga pinamumugaran ng mga lamok
S – arili ay protektahan laban sa lamok
S – umangguni agad sa pinakamalapit na pagamutan
S – umuporta sa pagpapausok kapag may banta ng outbreak