Skip to main content

Dalawang Menor de Edad Nalunod, Patay


Namatay dahil sa pagkakalunod sina John Ray Malabarbas (16) at Dave Tadeo (13), parehong mula Brgy. San Julian ngayong ika-22 ng Hulyo 2025.

Nalunod ang dalawang bata sa Brgy. Burgos, partikular sa fishpond na malapit sa bagong slaughter house ng bayan, at daan papuntang district hospital.

Ayon sa ulat ng MDRRMO, nag-umpisa ang pagrescue bandang Alas Tres ng hapon (3:00 PM) at naretrieve ang mga katawan ng 5:44 PM.

Samantala, nananawagan ang Lokal na Pamahalaan ng Moncada sa mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak at siguruhing sila ay nananatili sa bahay sa gantong sitwasyon. Iwasan din ang pagligo sa mga matubig na lugar upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1FsU4WFJWW/

Written by moncada_admin111 on .