DALAWANG ESTUDYANTE NG LORD’S LOVE ACADEMY, NAGSAULI NG PITAKANG MAY LIBU-LIBONG PERA

Hindi nag-atubiling ibinalik nina Heather Gianna R. Calaycay (nasa bandang kanan ng litrato) at Jem Zairel C. Rilles (nasa gitna ng litrato), mga grade 6 students ng Lord’s Love Academy Moncada ang pitaka ng isa sa mga empleyado ng munisipyo na si Ms. Juvy C. Mendoza ngayong araw. Ayon kay Ms. Mendoza, ang pitakang ito ay naglalaman ng higit sa 10,000 pesos na allowance ng kanyang pamilya at kamag-anak at mga koleksyon. “Natutunan po namin ang maging honest at huwag angkinin ang hindi sa amin kaya po namin ibinalik ang pitaka ni Ma’am,” saad ng mga bata. Sila naman ay binigyan ng may-ari ng pitaka ng munting gantimpala bilang pagtanaw ng utang na loob sa mga batang ito.

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

031095

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada