Skip to main content

Dakilang Kapistahan ni Apo San Ramon Nonato


Ang Patron at Gabay ng Bayan ng Moncada

Ang Kapistahan ni San Ramon Nonato ay may malalim na kaugnayan sa kasaysayan at pagkakakilanlan ng Bayan ng Moncada. Hindi lamang siya kinikilalang patron ng parokya, kundi bida rin sa mismong pagkabuo ng bayan.

Ayon sa lokal na kasaysayan, isang magsasaka sa Brgy. Tubectubang ang nakatagpo ng isang maitim na imahe ng santo mula sa kahoy. Nang dalhin ito sa kura paroko, sinabi nitong “Este es el rebulto de San Ramon Nonato”. Ang orihinal na imahe na kilala bilang Apo San Ramon ay naging sentro ng debosyon ng mga Moncadenian.

Noong dekada 1860, ang mga unang pamilyang Ilocano mula Norte ay nanirahan sa isang pamayanan na tinawag nilang Sitio Payacan (Barrio Capaoayan). Nang lumaki ang komunidad, pinangalanan nilang Barrio San Ramon ang lugar bilang pagpaparangal kay San Ramon Nonato at sa kagamitan ng kanilang pananampalataya bilang patnubay.

Dahil sa mabilis na pag-unlad ng Barrio San Ramon sa ilalim ng pamumuno ng mga tagapagtatag nito, opisyal itong naging ganap na bayan noong Mayo 1, 1874 at pinangalanang Moncada.

Tuwing Agosto 31, ang Dakilang Kapistahan ni San Ramon Nonato ay hindi lamang pagdiriwang ng pananampalataya, kundi pag-alala rin sa kabutihang-loob, sipag, at matatag na kasaysayan ng mga mamamayan ng Moncada

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1E8aL3Q4wg/

Written by moncada_admin111 on .