CONGRATS, NANA PINAY

CONGRATS, NANA PINAY!
CENTENARIAN MULA SA POBLACION 4, MONCADA, TARLAC, BINIGYAN NG CASH GIFT NG NATIONAL GOVERNMENT.
Bilang pagpupugay sa pag-abot sa edad na 100, nakatanggap si AGRIPINA B. BAUTISTA na nagdaos ng kanyang ika 101 taong gulang noong March 6, 2022, ng Centenarian Gift mula sa National Government na may halagang Php 100,000.00, Certificate of Recognition at Letter of Felicitation na may pagbati ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, noong March 22, 2022.
Sa pamamagitan ng DSWD FIELD OFFICE 3 iniabot regalong ito kay NANA PINAY kasama ang centenarian focal person Bb. Sheryl Santos ng DPEO Tarlac at MSWD Officer Mildred G. Arciaga at staff.
Ipinagdiriwang natin ang mga lolo at lola nating umabot sa 100 taong gulang hindi lang dahil sa kanilang mahabang buhay kundi bilang paggalang na rin sa kanilang naging mahalagang kontribusyon sa lipunan, ayon sa Republic Act No. 10868 o ang Centenarians Act of 2016.
Maliban sa natanggap ni Nana Pinay mula sa National Government, matatandaang binigyan din siya ng Provincial Government of Tarlac ng cash gift noong 2021.
Sa ating senior citizens at centenarians na gaya ni Nana Pinay, nawa’y patuloy kayong magsilbing inspirasyon sa henerasyon ngayon at parating maging malusog at ligtas!

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044841

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada