Clearing Operations sa iba’t ibang dako

POST TYPHOON UPDATE | Matapos ang pananalasa ng #kardingPH ay isinagawa na ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Estelita Aquino, kasama ang MDRRMO na pinangungunahan ni Engr. Efren M. Ramirez, Motorpool sa liderato ni Former Councilor Ruben Gamboa at ibang miyembro ng ating Sanguniang Bayan ang Clearing Operations sa iba’t ibang dako ng ating Moncada ngayong araw.
Ayon sa datos, walang malubhang pinsalang iniwan ang bagyo at maayos ang naging kalagayan ng bawat isa. Sa kabilang dako, patuloy parin ang pagchecheck ng ating mga kasamahan sa Lokal na Pamahalaan sa iba pang lugar ng ating bayan.
Kasama din sa naging operasyon ang ating mga kababayan mula sa iba’t ibang panig ng bayan.
Samantala, pinag-iingat parin ang lahat upang masigurong ligtas ang bawat kailyan sa maaari pang mangyari sa mga susunod pang oras.
Stay safe mga Kailyan!

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

031094

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada