
Belenismo sa Moncada 2023
Kay ganda ng ating bayan, at kay galing ng kailyan!
Halina at sama-sama nating tuklasin ang PASKO SA MONCADA!
Ngayong gabi ay pormal ng pinailawan ang ipinagmamalaking Belenismo ng Moncada. Muling bumida ang lokal na likhang sining, lokal na talento, at lokal na produkto ng Moncada sa isinagawang Belenismo sa Moncada Lighting 2023.
Ito ang magsisilbing panimula ng iba’t ibang aktibidades na inihanda ng lokal na pamahalaan sa nalalapit na pagdiriwang ng Kapaskuhan.
Abangan ang iba pang kapanapanabik na palamuti at mga programa ngayong kapaskuhan sa ating bayan.
Alpas Moncada! Love Moncada!
#LoveMoncada #LoveThePhilippines
#AlpasMoncada #PaskoSaMoncada