Skip to main content

Barangay Secretaries and Treasurers Take Oath

PANUNUMPA SA KATUNGKULAN NG MGA KALIHIM AT INGAT-YAMAN NG BARANGAY
Ngayong araw ng Huwebes ay pinangunahan ni Mayor Estelita M. Aquino ang panunumpa sa katungkulan ng mga bago at datihang kalihim at ingat-yaman ng mga barangay sa Bayan ng Moncada.
Sa mensahe ng ating Punong Bayan ay kaniyang hinikayat ang mga bagong talagang kawani na sana’y magampanan nilang maigi ang kanilang mga tungkulin sa panibago nilang mandato.
Congratulations po sa lahat ng mga bagong kawani ng ating mga barangay!

Official Website of Municipality of Moncada