Kahapon, araw ng Huwebes, September 15, 2022, pormal nang iginawad sa mga drug cleared barangays ang mga sertipikong kumikilala sa pagsisikap ng bawat barangay na mapuksa ang droga sa kanilang komunidad sa pangunguna ng Moncada PNP, PDEA at Barangay Officials. Kabilang sa mga nagawaran ng Certificate of Drug Cleared Barangay ang mga sumusunod:
1. ABLANG SAPANG
2. BURGOS
3. CAMANGAAN EAST
4. CAMANGAAN WEST
5. CAMPOSANTO 2
6. MABINI
7. POBLACION 2
8. POBLACION 3
9. POBLACION 4
10. RIZAL
11. STA MARIA
12. TOLEGA NORTE
13. TUBECTUBANG
Ilan sa mga dumalo ay sina PLTCOL Romel Santos, Deputy Provincial Director for Admin; PMAJ Ariel Enriquez, Acting Chief, PCADU; Agent Ronamel Reyes, PDEA BDCP officer; MLGOO Aimee Tavisora, LnB President George Cuchapin, mga Punong Barangay at Barangay Secretaries, mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, religious group leaders, at ang kapulisan ng Moncada Police Station sa pangunguna ni PMAJ Jose L. Natividad, Jr., Acting Chief of Police.
Ang Barangay San Roque at Sta Monica naman ay nananatiling drug-free barangays. Sa kasalukuyan, 95% na ang drug-cleared barangays sa ating lokalidad, at kasalukuyang pino-proseso ang aplikasyon ng mga nalalabi pang barangay.
Labis naman ang pasasalamat ng mga barangay at ng kapulisan sa suportang ipinaaabot ng Lokal na Pamahalaan sa programang ito sa pangunguna ni Mayor Estelita M. Aquino at Sangguniang Bayan.