Skip to main content

BARANGAY AND SK ANNUAL BUDGET REVIEW (BATCH 1)


Ngayong araw ay ginampanan ng Sangguniang Bayan ang tungkuling nasasaad sa batas na pag-aralan, busisiin at magbigay payo sa ipinasang budget ng mga Barangay at Sangguniang Kabataan para sa taong 2025.

Pinangunahan ito ng SB Committee on Finance, Ways and Means and Appropriations sa ilalim ng liderato ng chairperson nito na si Coun. Thelmaflor A. Espejo, kasama ang inyong lingkod at mga miyembro ng Sanggunian na sina Councilors Celeste Ayson, Nestor Favis, Dean Michael Duque, George Michael Aguilar, LnB Pres Bernadine Ferrer at SK Pres Jayvee Natividad.

Nakasama rin natin ang Local Finance Committee members, bilang resource persons, na kinabibilangan nina Ms. Diana A. Ayson, Municipal Budget Officer; Ms. Cristina A. Gabriel, Municipal Treasurer; Ms. Rulina Grace F. Bermudez, MPDC; at gayundin si Mr. Jayvee G. Galletes, MYDO.

Maraming salamat po sainyong partisipasyon!

CLICK LINK FOR MORE: https://www.facebook.com/share/p/17Q7z6Hoqc/

Written by moncada_admin111 on .