Skip to main content

BAGYONG UWAN


Sa panibagong unos na ating nalagpasan, sampu po ng ating lokal na pamahalaan, ako po ay nagpapasalamat sa lahat ng taong tumulong para sa ating mga kailyan.

Sa ating MDRRMO at rescuers, MHO at DOH, MSWD, mga miyembro ng ating MDRRMC, mga kapulisan, mga tagapaglingkod sa BFP, sa ating mga PSDS, SB members, Brgy. Officials at kanilang mga kasamahan, sa lahat ng institusyon at grupong tumulong, sa lahat ng mga naging volunteers, na halos walang pahinga at tulog, MARAMING MARAMING SALAMAT PO! Hindi natin makakayanan ito kung wala ang bawat isa.

Hindi pa po tapos ang ating operations kaya ipagdasal po natin ang kaligtasan ng lahat. Tulungan po natin na mas lalo pang mapagaan ang sitwasyon.

Sa ating mga estudyante at teachers, wala pa ring pasok bukas kaya mag-stay muna sa bahay para sure na ligtas ang lahat.

Kinaya na natin noon, kaya naniniwala akong kakayanin din natin ngayon. Ingat pa rin po, kailyan!

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1JVCM4wYr1/

Written by moncada_admin111 on .