Skip to main content

BAGONG PAUNAWA UKOL SA NAKATAKDANG PAGKAWALA NG KURYENTE


(PAGBABAGO NG PETSA / RESCHEDULED NGCP POWER INTERRUPTION)

Ipinagbibigay-alam sa lahat ng Member-Consumer-Owners (MCOs) ng TARELCO I na ang naunang inihayag na pansamantalang pagkaantala ng kuryente na nakatakda sana sa Oktubre 28, 2026 (Miyerkules) ay NAILIPAT NG PETSA.

Ito ay alinsunod sa kahilingan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Tarlac, sa pamamagitan ni Hon. Pearl Angeli Erguiza Pacada (Board Member, Unang Distrito), at sa opisyal na abiso mula sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Narito ang binagong detalye ng power interruption:

• Bagong Petsa / Araw: Oktubre 29, 2026 (Huwebes)

• Oras: 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon

• Apektadong Lugar: Buong Nasasakupan ng TARELCO I

• Apektadong Linya ng NGCP: Concepcion – Camiling 69kV Line

• Dahilan / Gawain ng NGCP:

• Masusing pagsusuri ng mga tripping circuit

• Pagsasagawa ng insulation resistance testing sa mga tripping control cable upang maiwasan at masuri ang posibleng pagkasira nito (deterioration)

MAHALAGANG PAALALA:

1. Maaaring maibalik ang suplay ng kuryente nang mas maaga sa itinakdang oras kapag natapos agad ang mga gawain ng NGCP, o maaari ring maantala depende sa mga hindi inaasahang sitwasyon sa aktwal na araw ng pagsasagawa.

2. Ituring pa rin na may daloy ng kuryente (always energized) ang lahat ng linya anumang oras para sa kaligtasan ng bawat isa.

3. Ugaliing bunutin sa saksakan ang mga sensitibong kagamitang de-kuryente bago ang nakatakdang oras upang maiwasan ang anumang pinsala sa biglaang pagbabalik ng suplay.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pag-unawa at kooperasyon.

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1E9Z53R8yJ/

Written by Support on .