ANUNSYO SA PUBLIKO | Batch Request System (BREQS)
ANUNSYO SA PUBLIKO | Gamit ang Batch Request System (BREQS), ang ating Municipal Civil Registry Office ay tumatanggap na ng mga requests ng mga dokumento at sertipikasyong ini-isyu ng Philippine Statistics Authority gaya ng mga sumusunod:
– CERTIFICATE OF LIVE BIRTH
– MARRIAGE CERTIFICATE
– DEATH CERTIFICATE
– CENOMAR
UPANG MAKAPAG-REQUEST, DALHIN ANG MGA SUMUSUNOD:
1. VALID ID (Government issued ID) pagkakakilanlan na ikaw ang document owner ng nire-request na dokumento/sertipiko.
2. SPA/Authorization Letter kalakip ang VALID ID ng document owner, at VALID ID ng naatasang mag-request ng dokumento/sertipiko.
3. Affidavit of KINSHIP kung ang document owner ay patay na, na nagpapatunay na siya ang pinakamalapit na kamag-anak ng document owner, at VALID ID.
MAGKANO ANG DAPAT BAYARAN?
• Birth Certificate – P 205.00
• Marriage Certificate – P 205.00
• Death – P 205.00
• Cenomar- P 260.00
Ang iyong ni-request na dokumento ay maaring makuha sa loob ng isang lingo o higit pa mula sa araw na sinumite ang request form.
Para sa mga katanungan, bumisita lamang sa Municipal Civil Registry Office, 2nd Flr. Municipal Bldg., Moncada, Tarlac o tumawag sa numerong 0908-872-6059.

