Skip to main content

ANUNSYO MULA SA TARELCO UNO


Pansamantala po tayong mawawalan ng kuryente upang bigyang-daan ang NGCP para sa line maintenance nito.

Ang NGCP ay transmission company na siyang tulay upang makadaan ang kuryente mula sa mga taga-gawa ng kuryente (power plants) hanggang sa mga Sub-Station ng TARELCO I kung kaya’t apektado tayo kapag kailangan nilang magpatay ng linya.

Kailangan namang patayin ang linya upang mapanatili ang kaligtasan ng mga technical workers.

PETSA: August 22, 2025 (Biyernes)

ORAS: 5:00 a.m. to 5:00 p.m.

APEKTADO: Lahat ng nasasakupan ng TARELCO I

Sasamatalahin naman ng TARELCO I ang pagkakataong ito upang magsagawa rin ng maintenance at iba pang aktibidad tulad ng trimming.

MARAMING SALAMAT PO SA PANG-UNAWA.

Written by moncada_admin111 on .