ADVISORY | Tarlac province is now under a State of Calamity
PAG-UULAT SA MAMAMAYAN: Deklarasyon ng State of Calamity sa Tarlac
Dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan at malawakang pagbaha dulot ng Habagat, opisyal na nating isinalalim sa State of Calamity ang buong probinsya ng Tarlac.
Alam natin ang bigat ng dinaranas ng ating mga kababayan—mula sa nasirang mga pananim at kabuhayan, hanggang sa pagkapinsala ng mahahalagang daanan tulad ng Ninoy Aquino Bridge at Agana Bridge.
Ang deklarasyong ito ay magbibigay-daan upang agad nating magamit ang kinakailangang pondo para sa mas mabilis na relief operations, pagkukumpuni ng mga imprastraktura, at pag-alalay sa bawat pamilyang naapektuhan.
Sa panahong ito ng pagsubok, walang Tarlaqueñong maiiwan. Manatili po tayong ligtas, alerto, at magkatuwang sa pagbangon.

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/18eyyYm87d/
