A “Thank You Message” from Mayor Estelita M. Aquino as the year ends

Thank you 2022!
Batid kong hindi ito ang “da best” na taon para sa ilan. May mga yugto ng taong ito na sinubok ang ating pasensya at pananampalataya lalo na ang ating paniniwala sa ating mga sarili at sa taong nakapaligid sa atin. Gayunpaman, marapat lamang na magpasalamat tayo sa lahat ng aral na iniwan ng taong ito.
Sa pagtatapos ng libro ng 2022, at sa ating pagbukas ng unang pahina ng taong 2023, ako, sampu ng aking pamilya ay lubos na nagpapasalamat sa isang taon nanaman nating pagsasama. Maraming maraming salamat sa mahigpit na YAKAP na inyong ipinadama sa bawat hakbang na aking tinahak bilang Ilaw ng ating bayan.
Aking napatunayan na hindi ako nag-iisa sa lahat ng hamon na aking hinarap dahil sa bawat pagsubok ay mayroon akong “kayo” na nakasubaybay sa aking likuran. Maraming salamat sa hindi pag-iwan sa akin sa mga panahong ako ang naghahanap ng arakop mula sa inyo mga kailyan!
Ngayong bagong taon, ating buksan ang ating panibagong aklat na puno ng pagmamahalan at malasakit para sa isa’t isa. Patuloy nating yakapin ang bawat isa nang ating mapagtagumpayan ang pagALPAS sa lahat ng hamon ng buhay.
Mahal ko kayo!
#Thankyou2022
#EMAlasakitsaBayanMamamayanatPondongBayan
#ArakopKailyan
#ArakopMoncada
 

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044679

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada