Skip to main content

4TH QUARTER JOINT MPOC-MADAC-MTF-ELCAC-MDRRMC MEETING

Hindi naging hadlang ang power interruption ngayong araw upang maipagpatuloy ang pagpupulong ng Municipal Peace and Order Council, Municipal Anti-Drug Abuse Council, Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council na pinangunahan ng overall chairperson na si Mayor Estelita M. Aquino.
Nagbahagi naman ng kanilang reports ang mga miyembro ng nasabing mga kumite upang bigyang linaw at tugunan ang mga issues at concerns na kinakaharap ng ating Lokal na Pamahalaan at gayundin ang mga naging makabuluhang programa at proyekto na kanilang naipatupad at ipapatupad pa sa ating bayan.
29 November 2023
Calapan Evacuation Center | Moncada, Tarlac

Official Website of Municipality of Moncada