Skip to main content

23 JULY 2025 | MEMORANDUM FROM THE OFFICE OF THE MAYOR AND MDRRMC CHAIR


Subject: Reiteration of Strengthened Monitoring and Community Advisory to Prevent Drowning and Flood-Related Accidents

Dahil sa insidente ng pagkalunod ng dalawang menor de edad sa kasagsagan ng pagbaha, ating ipinapaalala sa lahat ng Punong Barangay at BDRRMC ang agarang pagpapatupad ng mga sumusunod:

🔴 PAGBABAWAL sa mga bata at residente na lumapit, tumambay, o maglaro sa ilog, sapa, kanal, fishpond, at iba pang bahaing lugar o DANGER ZONES.

🔴 PAG-IIKOT at PAG-ABISO gamit ang megaphone o house-to-house reminders ukol sa panganib ng baha, lalo na sa mga kabataang mahilig maglaro o tumambay sa mga flooded areas at bodies of water.

🔴 PAGHULI o PAG-REPORT ng sinumang lalabag, lalo na kung may mga batang nakakatakas sa kanilang mga magulang. I-refer agad sa Barangay Council for the Protection of Children (BCPC) o di kaya sa MSWDO, kasama ang PNP WCPD para sa counseling at reprimand.

🔴 MAG-SUMITE NG REPORT kasama ang listahan ng mga nahuli kung meron man.

Ang MDRRMO, PNP, at BFP ay katuwang sa pag-patrol, responde, at pagpapatupad ng evacuation at safety measures ngayong panahon ng tag-ulan at mga bagyo.

Sundin ang Local Contingency Plan for Flood. Tayo ay maging alerto at maagap para sa kaligtasan ng lahat!

Maraming salamat po at ingat ang lahat!

Ramon Benito M. Aquino

Municipal Mayor

Chairperson, MDRRMC

CLICK HERE: https://www.facebook.com/share/p/1GTn7ynofE/

Written by moncada_admin111 on .