Skip to main content

37th EDSA People Power Revolution

Bilang paggunita sa ika-37 anibersasyo ng makasaysayang EDSA Revolution, muling pasiklabin ang alab ng pakikibaka at palakasin ang boses ng nagkakaisang hanay ng masa.

“Ang kuwento ng EDSA, kuwento ng pagtindig at paglaban para sa pangarap ng paglaya. Kuwento ito ng pagkakaisa— ng kabataan at matatanda, ng buong bansa, ng mga madreng lumuluhod sa harap ng baril at sa mga sundalong di mapigilang maluha nang sabitan ng rosaryo ang mga baril na ito. Kuwento ito ng pagmamahal. Puso at pagmamahal ang nagdala ng tagumpay ng bayan sa EDSA. At tuwing isinasabuhay natin ang pagmamahal na ito— People Power man o People’s Campaign; sa mapayapang rebolusyon man o napakahalagang halalan—kaisa natin ang lahat ng henerasyong nauna at susunod pa: Sa pagtindig, pagkakapit-bisig, at pagbubukas ng loob sa kapwa, sa ngalan ng isang maunlad, mapagpalaya, at makataong bukas.” – VPLR
Ang buong bayan ng Moncada ay nakikiisa sa pagbalik-tanaw sa kagitingan ng bawat Pilipino noong EDSA 1986 People Power Revolution.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat upang tayo ay magtulungan at magkapit-bisig nang tayo ay makawala na sa tanikalang dulot ng pandemya.

#37thEDSAPeoplePowerAnniversary

#EDSA37

Official Website of Municipality of Moncada