Skip to main content

18 PEBRERO 2021 │ Pinangunahan ni Mayor Estelita M. Aquino ang pagpupulong laban sa pagtaas ng dami ng nagpopositibo sa Covid-19

Kasama ang Municipal Task Force Against Covid-19 sa pangunguna ni Dr. Peter Louie R. Tamayo, Department of the Interior and Local Government (DILG), Moncada PNP, PDRRMO Tarlac, Moncada LDRRMO at iba pang ahensya ng gobyerno ngayong ika-18 ng Pebrero sa Moncada Public Auditorium.

Mariing ipinaalala ni Mayor Aquino ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum public health standards upang mapigilan ang paglaganap ng nasabing virus.
Bukod pa rito ay nagbahagi rin ang iba’t ibang ahensya ng lokal na pamahalaan ng kanilang mga mungkahi at komento upang maresolba ang patuloy na paglobo ng bilang ng positive cases sa bayan.
Ibinahagi naman ni Dr. Jeanette A. Lazatin, Provincial Health Officer, ang mga posibleng sanhi ng patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa virus gaya ng pagkalat sa pinagtatrabahuang lugar o workplace, mga comfort rooms, street foods, food establishments at hindi pagrereport ng mga returning residents sa kinauukulan.
Binigyang diin naman ni Mr. Bryan Rivera, MLGOO ng Pura, ang mga bagay na kailangang isaalang-alang sa pagsasagawa ng Localized Lockdown upang masigurong handa ang bawat ahensiya at ang mga pamilya at indibidwal na nakasailalim dito.

Official Website of Municipality of Moncada