
Patuloy na ang paglayo ng Bagyong #PaengPH sa ating bansa
TYPHOON UPDATE | Patuloy na ang paglayo ng Bagyong #PaengPH sa ating bansa ngunit pinaalalahanan ang lahat na mag-ingat pa rin.
Samantala, binabantayang muli ng mga weather forecast systems ang pagpasok ng bagyong #QueeniePH sa ating bansa.
Stay safe kailyans!
UPDATE: Patuloy nang kumikilos papalayo ng bansa ang Bagyong #PaengPH (#Nalgae) matapos tawirin ang #Luzon at inaasahang tuluyan nang lalabas ng PAR bukas.
Dahil sa malapad na sirkulasyon ng bagyo, asahan pa rin ang masungit na lagay ng panahon sa malaking bahagi ng #Luzon ngayong araw kahit papalayo na ang bagyo.
Samantala, nagbabadya nang pumasok sa PAR ang isa pang panibagong bagyo bukas na tatawaging “QUEENIE” ng PAGASA.
Sa ngayon, hindi ito nakikitang magiging malakas na bagyo ngunit inaasahang lalapit ito sa bahagi ng #EasternVisayas next week.
Patuloy pa ring babantayan ang magiging development nito sa mga susunod na araw.