Earlier today we held our 14th Regular Session for CY 2023. Ilan sa natalakay ang iba’t ibang ordinansa na may kinalaman sa pagpapa-igting ng mga hakbang upang mas maging handa ang ating pamayanan sa pagpasok ng “El Niño” season sa mga darating na buwan.
Gayundin ang ordinansa na naglalayong matugunan ang mga issues at concerns tungkol sa pagbebenta ng mga subdivision lots na hindi dumadaan sa tamang proseso at pagkuha ng permits at clearances.
Naaprubahan din ang ilang resolutions para sa ilang kasunduan o memorandum of agreement ng ating lokal na pamahalaan sa iba’t ibang ahensiya at sektor sa ating lipunan.