1,000 MODERNA JABS (Day 4 of Walk-In Vaccination)

Ang lahat ng bakuna kontra COVID-19 ay epektibo upang maiwasan ang malalang kaso (severe case) ng naturang sakit, gayun din ang pagkaka-ospital at kamatayan.
Kaya naman patuloy ang isinasagawang #ResBakuna sa ating Moncada Vaccination Center para sa 1,000 na kasama sa General Public na makatatanggap ng Moderna Covid Vaccine.
Ito ay naging posible dahil sa ating pagpupursige na makapag-request ng mas maraming doses ng bakuna upang ating makamtan ang herd immunity at patuloy na mapababa ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa ating bayan.
Asahan ninyo ang patuloy na pagdating ng mas marami pang doses ng COVID-19 vaccines sa ating Bayan para sa ating mga minamahal na kababayang Moncadenians.
Samantala, patuloy ang ating pagpapaalala sa pagsunod sa ating health and safety protocols upang hindi na kumalat pa ang sakit na COVID-19.
Para sa mga katanungan at para sa vaccine registration, iclick lamang ang link na ito para sa mga numerong maaaring tawagan.
Stay safe mga kababayan!
FOR VACCINE QUERIES CLICK HERE ➡️ https://www.facebook.com/1847039022052487/posts/4355550071201357/

EMERGENCY ASSISTANCE

CONTACT INFORMATION

(045) 606 – 5374
(045) 606 – 5405
(045) 606 – 5406
info@moncadatarlac.gov.ph

VISITOR COUNTER

044685

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

ABOUT GOVPH

Learn more about the Philippine government, its structure, how government works and the people behind it.

Official Website of Municipality of Moncada