Skip to main content

π“π‘π”π‚πŠ π‚πŽπ•π„π‘πˆππ†π’, πˆπ’πˆππ”π’π”π‹πŽππ† 𝐒𝐀 ππ€π˜π€π 𝐍𝐆 πŒπŽππ‚π€πƒπ€


MONCADA, TARLAC – Mas paiigtingin ng Pamahalaang Bayan ng Moncada ang pagpapanatili ng kaligtasan at kalinisan sa mga kalsada sa pamamagitan ng pag-rerequire sa mga trucks, haulers, at heavy vehicles na tiyaking maayos na natatakpan at ligtas ang pagkakakarga ng mga materyales na maaaring matapon o kumalat sa daan habang bumibiyahe.

Ito ang itinatakda sa Municipal Ordinance No. 2026-009, o β€œMoncada Mandatory Truck Cover and Anti-Spillage Ordinance of 2026,” na sumasaklaw sa mga pribado, commercial, at government-owned na sasakyang bumibiyahe, dumaraan, o naghahatid ng materyales sa territorial jurisdiction ng Moncada. Ang nasabing Ordinansa ay iniakda ni Councilor Ar. Justin Espejo Quijano, Chairperson ng SB Committee on Transportation kasama si Councilor Nestor Favis, Chairperson ng SB Committee on Public Safety.

Kabilang sa saklaw nito ang dump trucks, Elf trucks, cement mixers, big-wheeler trucks, garbage haulers, tractors at utility trailers na may dalang sand, soil, gravel, agricultural produce, cement, construction debris, basura, at iba pang loose o waste materials.

Inaatasan ang mga sasakyang ito na gumamit ng functional at matibay na coverings gaya ng heavy-duty canvas, thick tarpaulin, durable mesh netting, o hydraulic metal hatches. Dapat buong natatakpan ang cargo bed, maayos ang pagkakakabit ng takip, at hindi overloaded ang karga upang maiwasan ang pagbuhos, pagkalat, o pagtulo sa kalsada.

May multang β‚±500 sa unang paglabag, β‚±1,500 sa ikalawa, at β‚±2,500 sa ikatlo at mga susunod na paglabag, bukod sa posibleng suspensiyon ng kaukulang permit o authorization. Pananagutan din ng violator ang gastos sa paglilinis at clearing ng natapong materyales at anumang pinsalang maidudulot nito.

Maaari ring i-tow o ilagay sa municipal custody ang sasakyang nagdudulot ng obstruction o agarang panganib sa kalsada. Itinakda naman ang β‚±2,500 cleaning fee at β‚±2,500 clearing/towing fee para sa mga lalabag na gagamit ng clearing at cleaning services ng Municipal Government.

Ipapatupad ang ordinansa ng PNP-Moncada, municipal traffic enforcers/public order officers, deputized barangay CVOs/BPATS/Tanods, at mga awtorisadong inspector ng MENRO at/o Municipal Engineering Office. Maglulunsad din ng 30-araw na information campaign para sa mga trucking association, quarry operators, local business establishments, at mga karatig-bayan bago ang pagpapatupad nito.

Naipasa ang ordinansa noong Setyembre 7, 2026 at magkakabisa 15 araw matapos ang kinakailangang posting sa mga pampublikong lugar at sa social media platforms o website ng LGU.

Basahin ang buong teksto: https://drive.google.com/…/1-3Pkt6mOZF3XCRsvG7s…/view…

CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1F6v49VWWP/

Written by Support on .