πππππππ πππ ππππππππππ πππ πππππππππ ππππ ππ πππππππππππππ ππππππππ ππ ππππππ ππ πππ ππππππππ
MONCADA, TARLAC – Nilagdaan ni Mayor Ramon Benito M. Aquino noong Setyembre 15, 2026 ang Municipal Ordinance No. 2026-008, o ang βMoncada Responsible Gadget Use and Digital Wellness Ordinance of 2026,β na naglalayong palakasin ang responsableng paggamit ng portable electronic gadgets sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Moncada. Ang nasabing Ordinansa ay iniakda ni Coun. Mike Baldonado Uycoco, Chairperson ng SB Committee on Education.
Alinsunod sa Ordinansa, ipinagbabawal ang paggamit ng gadgets para gamitin sa social media, paglalaro ng online at offline games, hindi awtorisadong pagkuha ng larawan o video, at personal na tawag o mensahe habang oras ng pagtuturo, maliban sa mga paggamit na pinahihintulutan o awtorisado sa ilalim ng mga umiiral na polisiya ng DepEd.
Papayagan naman ang paggamit ng gadgets para sa academic research, classroom presentations, at mga emergency situations, alinsunod sa mga itinakdang kondisyon ng Ordinansa.
Higit sa regulasyon, itinataguyod din ng Ordinansa ang Digital Citizenship at Digital Wellness Programs para sa mga mag-aaral, magulang, guro, at komunidad. Kabilang dito ang digital parenting education, cyberbullying prevention, online child protection, mental health awareness, digital literacy, at ligtas at responsableng paggamit ng internet at social media.
Walang itinatakdang hiwalay na multa o municipal penalty laban sa mga mag-aaral, guro, school personnel, o mga magulang. Ang disciplinary actions ay mananatiling saklaw ng mga paaralan at ng umiiral na mga batas at polisiya ng DepEd at iba pang kinauukulang ahensya.
Ang ordinansa ay pinagtibay ng Sangguniang Bayan noong Setyembre 7, 2026 at magkakabisa labinlimang (15) araw matapos ang kinakailangang pagpo-post nito sa mga itinakdang lugar at online platforms ng LGU.
Sa pamamagitan nito, patuloy na isinusulong ng Pamahalaang Bayan ng Moncada ang isang ligtas, nakatuon, at makabuluhang learning environment, kasabay ng pagtataguyod ng mas responsable at balanseng paggamit ng teknolohiya ng kabataan.
Basahin ang buong teksto: https://drive.google.com/…/1TG2HlnxASyJjbdb0RS…/view…
CLICK HERE:https://www.facebook.com/share/p/1PcLsUmCcE/
