π ππππ πππππππ πππππππ | 15 July 2025
Ngayong araw, sa unang karaniwang pagpupulong ng ika-12 Sangguniang Bayan, ilang mahahalagang panukala ang ating inaprubahan para sa kapakanan ng ating bayan. Kabilang dito ang pag-ratipika ng Local Disaster Contingency Plans para sa pagbaha at bagyo, na layuning mas mapalakas ang kahandaan at kaligtasan ng ating mga kababayan sa panahon ng mga kalamidad.
Isinumite rin sa unang pagbasa ang panukalang ordinansa na naglalayong magtatag ng Child Protection and Anti-Bullying Desk sa bawat barangay, isa na namang hakbang para sa mas ligtas na komunidad, lalo na para sa ating mga kabataan.
Samantala, ilang usapin tulad ng βEspasyo Ordinanceβ at mungkahing amyendahan ang umiiral na Septage Management Ordinance ay pansamantalang ipinagpaliban para sa karagdagang pagdinig.
Asahan ninyo ang mas marami pang makabuluhan at napapanahong programa at ordinansa mula sa Konseho ng bayang Moncada ![]()










CLICK LINK FOR MORE: https://www.facebook.com/share/p/16g5D964ZF/
